Sen. Bong Revilla, Mamimigay ng Kotse, Motorsiklo, Laptop at Libo-libong Pera sa araw ng kanyang Birthday


Inanusyo ni Sen. Ramon Revilla Jr. o mas kilalang Bong Revilla “Alyas Pogi”, na mamimigay siya ng dalawang brand new car sa kanyang ika-56 kaarawan sa darating na linggo, September 25, 2022.

Pangungunahan niya at ng kaniyang asawa na si Lanie Mercado ang nasabing event.

Ipaparaffle niya ang mga ito sa kanyang Facebook Page na Ramon Bong Revilla Jr via Live Streaming, ganap na alas sais ng hapon (6:00PM).

Ang mga prizes daw na ito ay bigay ng kanyang mga sponsor.

“Handog natin yan sa mga kaibigan natin, sa mga fans natin. Pagbibigay ito ng pag-asa dahil may pandemya pa rin hanggang ngayon. Mamimigay tayo ng dalawang kotse. Yung unang kotse, galing sa mga kabigan nating sponsors. Yung pangalawang kotse naman, galing sa mga kapatid ko,”
 pag aannounce ni Bong Revilla sa isang birthday lunch, kasama ang mga miyembro ng entertainment press sa Quezon City nito lang Huwebes, Setyembre 22, 2022.

Tinawag itong “Alyas Pogi Birthday Giveaway”, mamimigay din si Revilla ng 10 motorsiklo, laptop units, at cash prizes (P100,000, P50,000, P20,000, and P10,000) habang limang daang(500 katao) avid watchers ang mananalo ng tig-P1000.

Pasasalamat raw niya ito sa ibinibigay ng diyos na blessing at good health na tinatamasa ngayon ng kanilang pamilya. Gayundin, pasasalamat din daw ito sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanila.

“Hindi maiiwasan na may mga bashers pa rin. Hindi na natin maiaalis yan dahill kakambal na natin yan. Meron talagang mga tao na walang magawa so hayaan na lang natin,” aniya.

“Mag-bash sila hanggang gusto nila basta hindi tayo titigil sa pagtulong sa ating mga kababayan.”

“Hindi na ako naaapektuhan ng bashing. Lalo lang tayong pumopogi.”

Taon-taon ng ginagawa ni Sen. Bong ang mamahagi ng mga papremyo ( cash at gadgets). Naging tradisyon na ng pamilya Revilla ito tuwing sasapit ang kaarawan ni Alyas Pogi.

“Walang ibang gagawin kundi tumutok sa programa, sumali sa mga palarong madadali lang at may tsansa na kayong manalo ng bagong kotse, mga motorsiklo at marami pang iba,” paliwanag ni Sen. Bong Revilla.

Kung nais sumali ay pumunta lamang sa kanyang Facebook page na may bluecheck sa gilid, at sundin ang mga mechanics at baka kayo na ang manalo ng mga prizes