Senior Highscool Graduate, Ipinagmalaki Ang Ama Kahit Hindi na Nakapagbihis sa Kanyang Graduation!

Senior Highscool Graduate, Ipinagmalaki Ang Ama Kahit Hindi na Nakapagbihis sa Kanyang Graduation!

Kumalat sa socila media ang post ng isang senior high school graduate matapos niyang ibahagi ang larawan niya kasama ng kanyang ama. Proud na proud si Guillerma Idias sa kanyang ama na isang backhoe operator dahil sinikap nitong makadalo sa kanyang graduation kahit na hindi na nakapag-bihis. Ang ama ni Guillerma ay kinilalang si Tatay Florentino.

“Sabi ko kay papa, ‘Picture tayong dalawa.’ Ta’s sabi ni papa, ‘Wag na lang kasi hindi ako nakapagbihis. Ang dumi at ang basa ko pa.

Pero sabi ko, “e ano kung madumi ang damit at basa na, wala akong pake hindi kita kinakahiya, bahala kahit hindi ka pa nakapagbihis,” ani ni Guillerma sa wikang Cebuano.

“Thankful ako na nandito ka sa graduation ko, kahit na pagod ka galing sa trabaho, dumeretso ka talaga sa graduation ko, kahit na basa ka pa, Pa,” pasasalamat pa ni Guillerma sa ama na kahit mababakas ang pagod sa trabaho ay nakangiti pa rin sa espesyal na araw ng kanyang anak.