Service Crew sa Isang Fastfood, Tinulungan at Sinubuan ang Senior Citizen na Customer

Service Crew sa Isang Fastfood, Tinulungan at Sinubuan ang Senior Citizen na Customer

Lahat tayo ay isa lang ang patutunguhan kaya piliin nating maging mabuting tao at gumawa ng tama. Nakakalungkot mang isipin ngunit may mga taong gumagawa pa rin ng hindi maganda sa kanilang kapwa at madalas din natin itong mapapanood sa mga balita. Kaya naman, nakakatuwa at nakakataba ng puso sa tuwing makakanood tayo ng mga taong nagmamalasakit at nagbibigay sa iba.



Isang video ang nag-viral sa Tiktok kung saan nakakaantig damdamin ang ginawa ng isang service crew sa isang matandang customer sa fastfood chain.

Makikita kung paano niya tinulungang makakain at kung paano niya dahan-dahang sinubuan ang senior citizen. Ang naturang video ay inupload ni Axel Mangabat sa kanyang Tiktok account.

Marami naman ang sumaludo sa ginawa kabutihan ng service crew. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:



“Napakabait naman ng crew good job po.. Bihira nalang ang kagaya mong may mabuting puso.. Sana lahat ay kagaya mo po”

“on Ang tunay na Pinoy, matulungin at dumadamay sa matatanda, sana marami pa Ang katulad mo,God bless and keep safe always,S A L U T E”

“saludo kami sa iyo ate,ma’am,kapatid GOD bless you”

“Always be sympathetic esp to the aged. Good job. May the good Lord bless you always.”