Silipin ang napakagandang bahay ni Jennylyn Mercado na modernong dalawang palagpag ang disenyo


Sari-saring bahay na ng ating mga iniidolo ang ating nasilayan. Lahat ng mga ito ay naggagandahan tulad ng mga artistang may-ari ng mga ito. Iba’t-ibang disenyo na kung saan makakapulutan natin ng inspirasyon.


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram

Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Hahangaan mo talaga ang walang kapantay na mga ganda ng mga ito na tila ba mga bahay na hindi basta matatagpuan sa Pilipinas. Ang iba sa mga bahay na ito ay matatagpuan sa mga lugar na tulad ng sa isang isla, pribadong subdivision, o kaya sa malayong probinsya.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Gayunpaman, lahat ng mga pag-aari ng ating mga iniidolo ay natupad lamang dahil sa kanilang galing, sipag at tiyaga sa buhay. Tulad na lamang ng kilalang aktres at napakagandang babae na si Jennylyn Mercado.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Kahit sino pa man na tao ang iyong tanungin kung sino si Jennylyn Mercado ay isa lamang ang kanilang tugon. Kundi ito ay isang napakagaling na artista, maganda at super gandang katawan.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Kung atin pang naalala na si Jennylyn Mercado ay unang natuklasan noong sumali ito sa isang talent search na pinamagatang Starstruck noong 2003. Siya ang nanalo sa nasabing patimpalak na iyon at isa sa mga kasama niya doon ay ang kilalang dancer at aktor na si Mark Herras.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Si Jennylyn Anne Pineda Mercado ay ipinanganak noong Mayo 15 taong 1987 at kasalukuyang 32 taon gulang. Hindi lamang siya kilala bilang isang aktres kundi kilala din siya bilang isang mang-aawit at songwriter.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Ibinahagi niya na noong taong 2014 ay nagsimula umano siyang maghanap ng kanyang sariling bahay sa tulong ng kanyang manager. Hindi naman nabigo ang aktres sapagkat nakakita umano ito sa Quezon, City.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Unang beses pa lamang niya nakita ang bahay ay napahanga agad siya dahil isa sa mga gusto niyang disenyo ng bahay ay maluwang kung kaya agad naman niya itong binili. Matapos nito ay naghanap siya ng isang interior designer upang mas lalo pang pagandahin ang kaniyang bahay.


Photo Courtesy: RealLiving | Entertainment Website

Hindi naman nabigo si Jennylyn sa nakauha niyang interior designer sapagkat na meet umano nito ang kanyang inaasahan. Dagdag pa ng aktres na ang bahay na kanyang nilipatan ay hindi lamang isang bahay sa kanya kundi isa na din itong lucky charm sa kadahilanan na mas dumami ang opportunity ang dumating sa kanyang career.