Apat na taong gulang na bata sa Bohol, kulay puti ang pilikmata

Apat na taong gulang na bata sa Bohol, kulay puti ang pilikmata

Sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” sinabi ng mag-asawang Dexter at Jennifer, na normal naman daw nang isilang ang kanilang apat na taong gulang na anak na si Dee Jhay, na takaw-pansin ang pilikmata.


At habang lumalaki, lalo pang tumingkad ang pagiging puti ng mga buhok sa mga mata ni Dee Jhay.
Sa pamilya, tanging si Dee Jhay lang daw ang “kakaiba.” Ang hinala ng ilang kapitbahay nila, baka “anak-araw” o albino ang bata.


May nakakaisip din na baka pampasuwerte ng bata ang maputi nitong pilikmata, o baka naapektuhan sa gamot, o dahil sa pinaglihian ni Jennifer habang siya ay buntis.

Pero bago maipasuri sa espesyalista kasama ang “KMJS” team, lumitaw na bukod sa pilikmata, may ipinakita pa si Jennifer sa katawan ni Dee Jhay na maputi rin


“Poliosis, also called poliosis circumscripta, occurs when you have a white streak in your hair, contrary to your natural hair color. This can affect hair on any part of your body, including your eyebrows and eyelashes, as well as the surrounding skin” -Netizen


“Be proud kasi naiiba SYA at gwapong bata yan paglaki pilikmata palang nakakaakit kayà para syang foreigner yung datingan ng pilikmata nta eh napa wow kaya ko nung nakita ko sya dito sa jessica Soho God bless”-Netizen