Singer na si Zephanie Dimaranan, Graduate na ng High School; Proud sa Kanyang Medals!

Singer na si Zephanie Dimaranan, Graduate na ng High School; Proud sa Kanyang Medals!

Proud na ibinahagi ng singer na si Zephanie Dimaranan sa kanyang instagram ang pagtatapos niya sa High School. Ibinahagi din ni Zephanie ang larawan niya habang hawak ang kanyang mga medalya. Ani ni Zephanie sa kanyang post, “onto the next chapter”. Si Zephanie ay nagtapos ng Senior High School sa Liceo De Sto. Tomas De Aquinas sa Biñan, Laguna.

Marami ang bumati sa singer kabilang na rito ang kapwa niya Kapuso artists na sina Rita Daniela, Garrett Bolden, Sofia Pablo, at Jessica Villarubin.

Si Zephanie Odhene Liwag Dimaran ay ipinanganak noong Pebrero 14, 2003. Siya ay isang singer at songwriter mula Biñan, Laguna. Nagwagi siya sa first season ng Idol Philippines. Ginanapan niya ang This Generation’s Pop Princess.

Miyembro ngayon si Zephanie ng All-Out Sundays’ Queendom and Super Champions at dating parte ng ASAP New Gen Divas and Sunday Noontime Live’s Ultimate Vocal Showdown.