Siya Pala Ang Tinaguriang “The Most Beautiful Woman And Most Expensive Model” Sa Buong Mundo, Nasa $15,000 Kada Oras ang Kanyang TF.

Siya Pala Ang Tinaguriang “The Most Beautiful Woman And Most Expensive Model” Sa Buong Mundo, Nasa $15,000 Kada Oras ang Kanyang TF.

Ayon nga sa kasabihan, “Beauty is in the eye of the beholder”. Ang kagandahan ng tao ay hindi nababantay lamang sa pisikal nitong kaanyuan, at hindi dahil sa sinang-ayunan ito ng karamihan. Wala sa kinis at puti, mahaba at makintab na buhok. Ito ay naka dependi sa tao kung paano ka niya nakikita at ang kalooban mo.

Ang pagiging maitim o pagkakaroon ng dark complexion ay minsan naging sanhi ng diskriminasyon sa ibang lugar, iba ang pagtrato nila sa mga maiitim at mapuputing lahi. Kaya akala nila kapag maitim ka ay nasa mababang uri ka na at hindi maganda.

Ngunit sa modernong panahon ngayon, ang diskriminasyon ay hindi naipagpapatuloy dahil nagkakaroon ng reyalisasyon kasabay rin ng pag unlad ng teknolohiya, na kahit itim ang kulay ng isang tao sa mata ng iba ito ay sadyang napakaganda. Kagaya na lamang ng mga babaeng kulay itim ang balat na mas naituturing na pinakamagagandang babae sa mundo.

Isa sa mga pinuri na pinakamagandang babae ay si Anok Yai na nagmula pa sa Southern Sudan. Ang kanyang larawan ay nag-viral sa social media, dahil siya ay tinanghal na “the most beautiful woman and most expensive model” sa buong mundo. Siya may angking kagandahan sa kabila ng kulay ng kanyang balat. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kanyang kakaibang ganda.

Si Anok ay isang magaling na modelo. Siya lang naman ang may pinakamahal na ‘fashion photography’ sa halagang $15,000 sa loob isang oras na pictorial. Dahil maraming mga endorsement companies ang nagkakagusto sa kanyang kakaibang aura.

Agad na nag-viral ang kanyang larawan ng ibinahagi ito ng kanyang photographer, at agad siyang kinuha ng New York Top Modeling Agency. Isa itong malaking oppurtunidad sa kanya, kaya agad siyang pumirma ng kanyang kontrata. Sa kasalukuyan siya ngayon ay isa na sa mga spokesperson ng top brand cosmetics ang Estee Lauder.

Sa kabila ng kanyang kulay naging daan ito upang maging tanyag siya sa buong mundo, kakaiba ang kanyang ganda na siyang nagpatunay na ang pagiging matagumpay ay hindi kailanman pwedeng hadlangan ng mga mapanirang tao bagkus gawin itong inspirasyon para lalong umunlad.