Skusta Clee, ipinapangakong kaya mag paka-tatay sa anak kahit hindi naging mabuting partner kay Zeinab!

Skusta Clee, ipinapangakong kaya mag paka-tatay sa anak kahit hindi naging mabuting partner kay Zeinab!

Aminado si Skusta Clee na hindi siya naging mabuting partner kay Zeinab Harake, pero ipinangakong magiging mabuting ama sa anak.

Naglabas na nga ng video ang controversial OPM rapper. Kaugnay sa isyu nila ng dating partner na si Zeinab.

Humingi ng paumanhin sa mga fans si Skusta at sinabi na haharapin niya ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.

“Okay, sa mga na-disappoint, sorry, sorry. My bad, sorry, akin. Nagkamali ako, sorry. Pinagsisihan ko naman ‘yon, mukha lang talagang hindi kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay,” ani Skusta.

Iginiit niya naman na may mga personal siyang rason kung bakit niya nagawa ang pag-iwan kay Zeinab at sa kanyang anak ngunit hindi niya na ito ibubunyag bilang respeto sa kanyang dating partner.

Samantala, naniniwala naman si Skusta na maari niya paring magampanan ang isang pagiging mabuting ama sa anak niya kahit na hiwalay na sila ni Zeinab.

Kung sakaling mabibigyan lang daw siya ng privilege sa anak nila ni Zeinab. Mapapatunayan daw niya na kaya niyang gampanan ang maging isang mabuting ama.

Isa daw kasi sa pinaka magandang nangyari sa kanyang buhay ay ng dumating si Bia.

Kaya naman umaasa siya na darating ang panahon at muli niyang maipapadama sa anak ang kanyang pagmamahal.