Sylvia Sanchez sa Pag-Welcome kay Maine Mendoza Bilang Pamilya: “I will love you as my daughter”

Sylvia Sanchez sa Pag-Welcome kay Maine Mendoza Bilang Pamilya: “I will love you as my daughter”

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres na si Sylvia Sanchez ang larawan nila ni Maine, na kuha sa engagement party ni Arjo at ng aktres. Todo ngiti siya habang yakap-yakap Maine, na masaya din. Isang napakagandang caption ang isinama ng beteranang aktres, kung saan tinanggap niya si Maine sa kanilang pamilya at nagpasalamat sa pagmamahal sa anak na si Arjo.

Tiyak na ipinagmamalaki ni Sylvia ang kanyang magiging manugang at nangako siya kay Maine na aalagaan niya ito ng mabuti at mamahalin bilang sariling anak.

“He asked Her and She said, YES!!! Finally!! Welcome to the family, Maine (heart emoji) Thank you for loving my son. Love you Nak I promise that I will take care and love you as my own Daughter.”

Si Maine Mendoza ay isang artista at endorser sa Pilipinas. Isa rin siyang host ng iconic noontime program, Eat Bulaga’. Sumikat si Maine dahil sa ka-loveteam nila ni Alden Richards.

Engaged na ang aktres sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde, na isa nang pulitiko. Nag-propose si Arjo kay Maine sa hindi malilimutang paraan na lasy July 28, na naging headlines.