Tanya Bautista Nangamgamba sa Kaligtasan ni Vhong Kapag Inilipat sa Taguig City Jail !

Tanya Bautista Nangamgamba sa Kaligtasan ni Vhong Kapag Inilipat sa Taguig City Jail !

Emosyonal na humarap sa isang interview ang asawa ng aktor at TV host na si Vhong Navarro, na si Tanya Bautista-Navarro, upang magbigay ng update sa kanilang pinagdadaang problema ngayon.

Nitong Miyerkukes ay hiningian ng reaksyon si Tanya Bautista ng media tungkol sa pagkakakulong ng kanyang asawa at kung ano ang nararamdaman ngayon ng kanilang pamilya.

Sinabi niya na mala roller coaster raw ang kanilang buhay ngayon, naghalo ang good news at bad news. Sobrang siyang na broken pati ang mga anak nito, dahil sa mga twist ng kaso ni Vhong. Naging back to back kasi ang sinampang kaso laban kay Vhong, ang una ay act of lasciviousness na may piyansang P36,000, at nito ngang huli ay kasong rap3 na walang kaukulang piyansa.

Iginigiit ni Tanya na alam ng kabilang kampo ang katotohanan at naniniwala siya na sa kanya lang may atsraso ang kanyang asawa.

“Alam naman nila ang totoo. Sa akin may atraso si Vhong. Inamin niya ‘yon mula noon. Sa akin siya may atraso pinatawad ko iyong tao. And for the last 8 years bumabawi siya. We got married. Akala ko yung 8 years na yon tapos na yung kaso.”

Bumuhos naman ang mga suporta para kay Vhong na nagiging silbing lakas nilang mag asawa, lubos ang kanilang pasasalamat sa mga ito, ngunit di pa rin maiiwasan na malungkot at mag alala siya sa kanyang asawa.

“Pinaka nalulungkot ko yung parati niyang iniisip na iiwan ko siya.”.

“Kasi hindi! sabi ko kung iiwan kita noon pa nung hindi pa tayo kasal, nung nakikita ko ng nagiging okay ka na, lalabas ka na ng ospital dapat iniwan na kita noon pa. Pero hindi kasi nakita ko yung ipinaglaban mo noon. Tapos nagawa kong patawarin ka bakit kita iiwan. So yun lagi niyang sinsabi don’t leave me, don’t leave me tapos lagi ko siyang inaasume hanggang sa pumasok siya sa loob lagi ko siyang inaasure yun yung wag na wag mong iisipin.”. pagkukwento niya.

Sobrang sakit para kay Tanya ang sinapit ngayon ng kanyang asawa, natatakot rin siya sa magiging kalagayan at seguridad nito, lalo na at hinihiling pa ng kampo nila Deniece Cornejo at Cedrick Lee na ilipat si Vhong Navarro sa Taguig City Jail.

“Right now, ang worry ko ay ‘yong security for Vhong, ‘yon na lang, nandito na kami so lalaban kami. At Alam ko mapapanalo natin ‘to but for the mean time, at least yong security niya. Natatakot ako for him ‘pag nailipat siya sa Taguig.”- ani ni Tanya

Tuloy tuloy nilang ipaglalaban ang kasong ito at naniniwala si Tanya na malalampasan nila ang mga pagsubok na kinahaharap nila ngayon, mapapatunayan ding inosente si Vhong Navarro, malilinis rin ang kanilang iniingatang pangalan, lalabas ang katotohanan at mapapawalang sala rin ang kanyang asawa.