Tatay Humihingi Ng Tubig Hindi Para Sa Kanya Ngunit Para Sa Kaniyang Mga Alagang Aso


Ibinahagi ni RG Tiquia sa kanyang account, ang isang tagpo kung saan ay mayroong isang lalaki na nanghihingi sa kanua ng tubig, hindi para sa kaniya ngunit para sa kanyang mga alagang aso.

Si Tatay, kasama ang kanyang mga alagang aso, ay naglalakad lamang pauwi ng Baguio City, galing raw sila sa Tabang, Bulacan.


Binigyan niya ito ng maiinom at pinakain na rin niya, ayon pa sa kanya ay hindi niya naitanong ang pangalan ni Tatay ngunit nabanggit daw nito kung bakit siya naglalakad kasama ang kaniuang mga alagang aso.


“From Tabang Bulacan papuntang Baguio daw si tatay sa kamag anak niya pupunta with his two dogs, humingi siya ng tulong sa amin not financially di rin food, water lang ang hiningi niya for him and for his dogs. Pero pinakain namin siya pilit pati ung mga dogs na uhaw na uhaw,” ayon sa mismong post ni RG.

“Di ko na nagawa itanong pangalan mo tay, sabi mo kaya ka umalis sainyo dahil sa mga di magandang experience mo sa mga tao sa paligid mo kwento mo habang naka tawa pa sabi mo pa mas masaya na kayo lang ng nga aso mo walang problema walang nagmumura sainyo walang nangmamaliit, pero sana mapabuti ka po sa pupuntahan mo. Sana mapatid ung uhaw at gutom nyo sa konting nakayanan namin,” dagdag pa nito.


Sa naging update niya sa kalagayan ni tatay, ay patuloy pa rin daw ito sa paglalakad, at mayroon ding mga may mabubuting puso ang tumulong kay tatay para sa kaniyang pagkain at tubig.

Mayroon ding nais umarkila ng sasakyan upang sundan at maihatid si tatay sa Baguio, may mga nagpapadala rin para may mai-uwi si tatay na pasalubong para sa kaniyang pamilya.