Tatay na galing trabaho, sabik na binili ang pasalubong sa anak kahit nanlilimahid pa ang mga paa nito.


Likas sa mga magulang ang gawin ang lahat para sa pamilya lalo na sa mga anak. Lubos na kasiyahan ang hatid nito sa kanila sa tuwing naibibigay ang mga pangangailangan ng pamilya.
Bilang isang responsableng magulang, pipilitin nilang mapasaya ang kanilang mga anak sa kahit anong paraan. Kaya naman marami ang naantig sa mga litratong ito ng kumalat sa social media.
Larawan ng isang mabuting tatay ang nag-viral habang bumibili ito ng manika sa isang tindahan. Ang ama ay halatang galing pa sa trabaho bilang isang constuction worker dahil kitang kita ang bakas ng semento sa mga paa nito.

Tulad ng isang magulang na sabik na sabik bilhin ang isang laruan para sa anak ay halatang hindi na nito alintana ang dungis ng katawan at nagmamadali na itong bilhin ang manikang laruan.

SuperMom | Facebook
SuperMom | Facebook

Marahil ng dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na rin nabigyan ng pagkakataon ang kumuha ng litrato para kilalanin ang naturang tatay sa larawan. Ngunit ang tagpong ito ay sinasabing nangyari daw sa isang bayan sa Tambang, Tinambac Camarines Sur.
75 pesos ang nakunang halaga ng biniling manika. Murang mura lang ito para sa iba kung tutuusin, pero makikita mo sa matamis na ngiti ng ama na galing sa puso at matinding hirap sa trabaho ang katumbas ng halagang ito.

“Kahit na maliit na halaga lang kinikita ko, basta nakakakain ang mga anak ko at naiibigay ko mga gusto at pangangailangan nila, daig ko pa po nanalo sa lotto” pahayag ng ama.

SuperMom | Facebook

Umantig ito sa puso ng maraming netizen at umani ng kaliwa’t kanang papuri at paghanga ang tatay sa litrato.
Isa nanamang bata ang siguradong matutuwa pag uwi sa bahay nang tila nagmamadaling ama. Isang inspirasyon at magandang halimbawa na ang tunay na kasiyahan ay hindi natutumbasan ng kahit anong halaga.

Source: SuperMom | Facebook