Tingnan! Dalawang Anak Ni Gelli De Belen, Nagtitinda Ng Kakanin Sa Canada!

Tingnan! Dalawang Anak Ni Gelli De Belen, Nagtitinda Ng Kakanin Sa Canada!

Talaga namang napakasarap ng mga kakanin tulad nalang ng biko, sapin-sapin, kutsinta at marami pang iba. Kabilang ang mga ito sa tradisyunal na pagkain nating mga Pilipino at talagang hinahanap-hanap ng ating mga kababayan abroad.

Mabilis maibenta ang ganitong pagkain dahil patok na patok ito sa masa at talagang nakakatakam ang lasa. Masarap ding pang-almusal o pang-merienda kasabay ng mainit na kape o gatas.

Source: Gelli De Belen Instagram

Samantala, alam niyo ba na ang dalawang anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera ay isa rin sa mga nagtitinda ng kakanin?

Source: Gelli De Belen Instagram

Nasa Canada ngayon ang mga binatang sina Julio at Joaquin para pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral sa York University. Matagal na ring namamalagi ang mga bata abroad at ang akala ng ilan ay nakalimutan na ng mga ito ang ilan sa mga kaugalian ng mga Pilipino.

Source: Gelli De Belen Instagram

Ngunit nagulat ang mga netizens sa ibinahaging social media post ni Gelli kung saan nagpopromote siya ng business ng kaniyang mga anak!

Matagal na palang nagtutulungan ang dalawang binata sa pagpapatakbo ng kanilang food business sa Canada na tinawag nilang “Lolo Ben’s Biko” na matatagpuan sa Mississauga, Ontario. Patok na patok ito hindi lang mga Pilipino kundi pati na rin sa mga banyagang nakatira sa lugar. Mayroon itong dalawang flavor ang classic na nagkakahalaga ng $18 at ang espesyal na langka flavor na umaabot naman ng $20.

Source: Gelli De Belen Instagram

Marami ang humanga sa magkakapatid dahil sa kabila ng kanilang busy schedule sa school ay nagkakaroon pa rin sila ng oras para mai-promote sa ibang bansa ang tradisyunal na pagkain nating mga Pilipino. Samantala, ang ilang netizens naman ay hindi mapigilang ma-inspire dahil sa murang edad pa lang ay marunong na silang mag-negosyo.

Source: Gelli De Belen Instagram

Proud parents naman sina Gelli at Ariel dahil kahit start-up business pa lang ang negosyo ng dalawang magkapatid ay patuloy itong kumikita at kahit nagkaroon ng pandemic ay nananatiling matatag at mas lalo pang tinatangkilik ng kanilang mga suki.

Congratulations sa inyo Julio at Joaquin!