Tricycle driver sa umaga, Criminology Student naman sa gabi “Walang taong mahirap, Sa taong nag susumikap”

Tricycle driver sa umaga, Criminology Student naman sa gabi “Walang taong mahirap, Sa taong nag susumikap”

Naantig ang damdamin ng mga netizens sa kwento na ibinahagi ni Gerome Cuaño, kung paano siya mula sa pagiging tricycle driver ay naging criminology student sa pangarap niyang eskwelahan.
Ayon kay Gerome, dati ay naiinggit lamang siya sa mga mag-aaral na kaniyang inihahatid sa eskwelahan.


“Way back 2017 [to] 2018 noong madalas ako makapag-hatid ng student dito halos ramdam ko lagi yung inggit kasi sila nakakapag aral, [tapos] ako may anak na, malabo nang matupad pangarap ko. Halos kada makaka-hatid ako sa paaralan na ito sumisilip ako lagi sa gate na ‘yan lagi ko iniimagine ano kayang itsura sa loob niyan?” kwento niya.

>
Dagdag ni Gerome, pagka-graduate niya ng high school ay tinapat siya ng kaniyang ina na hindi siya kaya paaralin nito ng kolehiyo dahil wala itong trabaho at senior citizen na. Ngunit dahil sa kagustuhan niyang mag-aral, pinili niya maging tricycle driver upang makapag-ipon ng pera.

“Simula no’n nag-ipon ako, lalo akong nag sumikap, halos sa tricycle na ‘ko [natutulog] makapag-ipon lang, at nung naka-ipon na ‘ko ready na ‘ko… then [taong] 2019 sinama ko nanay ko [para] mag-enroll kami [sa eskwelahan],” wika niya.


Ikinuwento rin ni Gerome na kung minsan ay kinakapos siya sa tuition at nagiging solusyon niya ang pag-utang sa lending para lamang makapag-bayad.

“Kapag po kulang, umuutang po ako sa lending o bumbay po, [kasi] wala po akong scholarship kaya po medyo hirap po ako,” lahad niya.


Ngayon ay kasalukuyan nang nasa ika-apat na taon si Gerome sa kursong Bachelor of Science in Crimonology. Ayon sa kaniya, naging inspirasyon niya ang kaniyang asawa at anak upang magsumikap na magtapos ng pag-aaral.


“Maging ma-tiyaga sa lahat ng bagay laging isipin ang pamilya o sino mang inspirasyon mo, ‘wag basta-basta susuko sa hamon ng buhay [at] lagi mo lang isipin ay ang gaol mo, wag panghinaan ng loob,” payo naman ni Gerome sa mga taong gustong maabot ang kanilang mga pangarap.

 


“Wala pong bagay na mahirap sa taong handang mag-sumikap maabot lang ang kanyang pangarap,” dagdag niya.