Tsuper Ng Jeep Nag-Sauli Ng Mahigit PHP1.6 Million Pesos, Matapos Maiwan Ng Kanyang Pasahero


Hindi nasilaw sa malaking halaga ang isang Tsuper na ito, matapos makapulot ng tumataginting na 1.6Milyong cash na nakalagay sa isang grocery bag.

Ayon pa sa Tsuper bumibyahe siya sa Lungsod ng Parañaque City. nang sumakay ang kanyang pasahero namay dalang grocery bag. inakala lamang niya nung una ay may laman lamang itong grocery items. dahil naiwan ng kanyang pasahero ang grocery bags.

Nang buksan niya ito ay laking gulat niya na pera pala ang laman ng grocery bags. hindi nag dalawang isip ang tsuper at agad na hinanap ang nasabing pasaherong may dala nito at ipinag-alam niya ito sa awtoridad upang muling maibalik sa tunay na may-ari ang halagang salapi

Hinangaan ang isang driver na si Juan Carlos Martin sa kanyang pinakitang katapatan ng walang pagdadalawang isip niyang isinauli ang aabot sa P1.6M na pera na kanyang napulot sa Parañaque City.

Makailang beses rin siyang gumawa ng paraan para matunton ang may-ari ng pera hanggang sa dumiretso na sya sa Manila Police District at sakto, nandodoon naman ang isang babae na nagmamay-ari ng pera.

Sa social media post ni Martin, kanyang sinabi: “Buti na lang pina lake akong mabuting tao ng magulang ko at hinubog ng kapatirang triskelion. pera kikitain yan, pero ang konsensya mahirap kalaban..1.6 million returned