Lumawlaw ang bahagi ng mukha ng Dalagang ito, dahil lamang raw sa napabayaang kuliti at eyebags


Simula nang siya ay bata ay tampulan na ng tukso ang babaeng si Therry Padilla dahil sa tila makapal na balat na nakalaylay sa bahagi ng kaniyang kaliwang mata.

Ayon kay Therry, nagsimula raw ang lahat nang dahil sa kuliti na tumubo noon sa kaniyang mata. Ngunit ayon sa mga doktor na sumuri sa kaniya, ang inakala nilang kuliti ay senyales na pala ng kondisyon “plexiform neurofibromatosis.”


Ibig sabihin, mayroong tumor na nagde-develop sa mga tissue na bumabalot at pumoprotekta sa mga ugat na nakarugtong sa utak ni Therry. Tanggaling man ang nabuong tumor at balat ay babalik din ito kalaunan dahil nga sa konektado ito sa kaniyang utak.


Dahil dito, wala ng magawa si Therry kung hindi tanggapin na lamang ang kaniyang kondisyon at mamuhay ng normal. Bagama’t samu’t-saring panlalait ang natatanggap niya simula nang siya ay bata, pinipilit niya pa ring magpatuloy at lumaban sa buhay.

“Mahirap parang gusto ko nang sumuko pero kailangang lumaban,” sabi ni Therry. Kaya naman pakiusap niya, nawa ay mas lumawak ang pang-unawa ng mga tao sa kondisyon at pinagdaraanan ng mga tulad niyang mayroong kakaibang kondisyon. Sa halip na mangutya, sana ay bigyan na lamang natin sila ng lakas ng loob upang harapin ang bawat araw.