Ulilang Estudyante, Dumeretso sa Himlayan ng Kanyang Pamilya Matapos Ang Kanyang Graduation!

Ulilang Estudyante, Dumeretso sa Himlayan ng Kanyang Pamilya Matapos Ang Kanyang Graduation!

Viral ngayon sa social media ang larawan ni Jellicoe Dumangas. Umabot sa 21k reacts, 1.8k comments at 3k shares ang post na ibinahagi ni Jellicoe. Makikita sa larawan na nakatayo si Jellicoe suot ang kanyang uniporme at hawak ang kanyang diploma at nasa likuran niya ang punto ng kanyang ina, ama at kuya. Nagtapos ng senior highschool si Jellicoe.

Taga Agusan del Norte si Jellicoe. Tanging ang ate lang niya ang kanyang kasama. Ayon sa post ng Kami facebook page, maagang naulila si Jellicoe.

Matapos niyang mag-graduate sa senior high school ay plano na niyang kumuha ng kursong criminology sa kolehiyo.

Narito ang kabuuang post ng Kami facebook page:

“Isang nakakaantig damdamin ang ipinost ni Jellicoe Dumangas na taga Agusan del Norte sa kanyang facebook matapos syang magtapos ng K12. Dumirecho sya sa himlayan ng kanyang magulang at kapatid upang ialay ang kanyang pagtatapos.

“Sinabi ni Jellicoe sa KAMI na ang Ate nya na sa ngayun ang kasama nya sa buhay, dahil sya ay maaga naulila. Plano ni Jellicoe na kumuha ng criminology sa kanyang kolehiyo.”