Umantig sa Netizens ang pagdiriwang ng isang pamilya, isang kahong Pizza sapat na para ipagdiwang ang Moving Up Ceremory ng isang estudyante


Sa makabagong panahon ngayon marami na sa kabataan ang nahuhumaling sa iba’t ibang klaseng pagkain at inumin. Ang iba naman ay nakukuntento na lamang sa simpleng panlaman tiyan upang maidaos lamang ang mahalagang araw o selebrasyon sa kanilang buhay.
Alam naman natin na isa sa mahalagang araw para sa ating mga magulang ang mga selebrasyon sa may kinalaman sa pag-aaral, nariyan ang araw ng pagtatapos o di kaya ang moving up na tinatawag kung saan ang isang estudyante ay tutungo na sa kanyang bagong kabanata ng pag-aaral.

Larawan mula kay Justine Mark Cy Valete | Facebook

Kaya naman ang kwento ng isang estudyanteng nag moving up ceremony ay naging usap-usapan sa social media dahil sa ginanap na selebrasyon kasama ang kanyang pamilya. Umantig sa puso ng maraming netizen at umani ng positibong papuri ang batang si Justine Mark Cy Valete dahil sa kanyang pagbabahagi ng kanyang kagalakan kasama ang kanyang pamilya.

Sa isang pizza ay masaya nilang pinagsaluhan ng kanilang pamilya ang moving up ceremony. Sa larawan makikita ang isang kahon ng pizza kung saan nakapost pa ito kasama sa iba pang larawan ang kanyang pamilya. Pahayag ni Justine sa kanyang post ang katagang “SKL (share ko lang). Moving-up ng kapatid ko today! And this is what we just have. Kain po tayo!”

Larawan mula kay Justine Mark Cy Valete | Facebook

Ang simpleng paghahandang ito ay kinatuwa ng ilang netizen kung saan ang iba ay nagpaabot pa ng kaunting pakimkim sa pamamagitan ng G-Cash para may maidagdag sa selebrasyon ng binata. Samantala nagpasalamat din naman ang binata sa mga taong nagpahalaga sa kanilang pagsasalo at sa mga taong nagbigay ng pera ay labis ding pinasalamatan ng binata.

Dagdag pa niya sa kanyang post;
Edit: thank you po sa inyong lahat God bless po sa inyo
Another edit: salamat po sa mga kusang nagbigay ng unexpected gifts(gcash) malaking tulong napo yun para samin ngayon. Thank you so much