Nagpataas sa kilay ng marami ang latest post ni Vice Ganda tungkol sa kanyang mga bashers.

Isa si Vice sa mga nakakatanggap lagi ng mga panunuya ng mga netizens. Laging nasisilip ang kung anong meron siya.

Pati na din ang relasyon nila ng kanyang partner na si Ion Perez.

Kaya naman sa kanyang latest social media post ay pumatol na si Vice sa mga ito. Pero in a unique way.

Dahil ipinagmalaki niya kung anong meron siya.

Ani Vice sa kanyang video na viral na ngayon online, “Oh my god! Ang fresh ko ngayon. And I realized ang laki pala talaga ng na-improve ng hitsura ko kumpara dati, ‘no? Wow!

“And I also realized upon checking my checkbook, mas marami pala akong pera ngayon, mas yumaman pala ako this year.”

Ibinida din ni Vice ang magandang takbo ng relasyon nila ni Ion. Kamakailan nga lamang ay nagdiwang sila ng kanilang third anniversary.

Saad pa ng Unkabogable star, “And also, I checked my room, andun pa rin yung dyowa ko nagpapahinga.

“Yes, kami pa rin. Masaya pa rin kami. Three years na.”

Masaya din daw siyang napasaya niya ang kanyang ina at may bago na naman siyang awards. Dito na niya kinamusta ang kanyang bashers kung naging maganda din ba ang buhay nila.

“Now I wanna ceck on my bashers. How are you guys?

“Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo kaysa dati?

“May dyowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kumusta nanay niyo? Pamilya niyo? Okay ba kayo?

“May mga bago ba kayong achievements?”

Hirit pa ni Vice Ganda, ipagdadasal na lamang niya ang mga kawawang bashers niya para umasenso naman.