Video ni Jeric Raval na bumababa pa sa kanyang sasakyan sa NLEX para pagbigyan ang isang fan na magpa-picture!

Video ni Jeric Raval na bumababa pa sa kanyang sasakyan sa NLEX para pagbigyan ang isang fan na magpa-picture!

Kilig na kilig ang mga netizens nang game na game na naki-selfie sa kanila ang aktor na si Jeric Raval.

Isa Jeric sa mga artista noong 90’s na maituturing na heartthrob dahil sa angkin niyang kakisigan.

Mas nakadagdag pa ng appeal niya ay ang galing niya sa pag-arte lalo na sa mga pinagbidahan niyang action movies.

At ngayon nga na kahit medyo may edad na siya ay litaw na litaw pa rin ang kanyang kagwapuhan. Matikas pa rin ang kanyang pangangatawan.

Pati na din ang kanyang good looks ay hindi nag-fade. Hot daddy nga kung tawagin ng karamihan ngayon si Jeric.

Katunayan ay marami pa din ang kinikilig sa tuwing makikita nila ng personal ang aktor. Kamakailan nga lamang ay isang video ni Jeric ang nag-viral online.

Ipinamalas kasi ng aktor ang kabaitan, nang game na game siyang nakipag-selfie sa kanyang mga fans.

Ang nasabing video ay ibinahagi ng netizen na si Yssa Activa. Makikita sa video na nasa NLEX ang aktor sakay ng kanyang yellow Hummer.

Tilian ang maririnig sa video nang bumaba si Jeric sa kanyang minamanehong sasakyan. Lumapit ito sa kanila at nagpakuha ng litrato habang traffic pa.

“Akina, akina, dali,” maririnig na saad ni Jeric, sabay pose sa camera. Kumaway pa ito sa mga fans niya bago muling bumalik sa sasakyan.

Sigawan sa kilig ang mga kasamahan ng uploadr at tanging “ang gwapo” lang ang kanilang namutawi.

 

Hangang-hanga naman sila sa kabitang ipinamalas na ito ng aktor. At napatunayan nilang hindi ito isnabero kahit pa nga sa gitna ng trapiko.