Video ni Zeinab Harake na may kasamang ibang lalaki, viral ngayon online!

Video ni Zeinab Harake na may kasamang ibang lalaki, viral ngayon online!

Mukhang nakatagpo na ng bagong magpapatibok ng kanyang puso ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake.

Viral ngayon online ang isang Tiktok video, kung saan makikitang may kalambingan si Zeinab.

Tila nasa isang bar sila, nakaupo ang lalaki at biglang lumapit si Zeinab at niyakap ito. Napangiti naman ang binata kaya napayakap na din siya kay Zeinab.

Dahil dito, palaisipan sa mga netizens kung ang lalaking ito na nga ba ang muling magpapasaya sa puso ni Zeinab.

Matatandaan, kamakailan lamang ay ibinida ni Zeinab na nakatanggap siya ng bonggang flower bouquet.

Sa Instagram story, ipinakita ni Zeinab ang litrato ng nakuhang rosas.

Mapapansin naman na mayroon itong isang maliit na note na nakasulat sa hugis pusong papel.

“You’re busy, I’m busy, but, as prepared, we’ll make it work. Sorry, been very busy lately,” nakasaad dito.

Samantala, hindi naman malinaw kung kanino galing ang bulaklak at nakakakilig na note dahil tinakpan ni Zeinab ang pangalan ng nagpadala.

Pero ngayon hinuha ng marami ay ang lalaking kasama ni Zeinab sa video ang nagbigay ng bulaklak.

Kinilalang ito ay si Hans Alcanzare, isang civil engineer at chef.

May larawan nga na kasama din ni Skusta at Zeinab si Hans.

Kaya ang tanong, si Hans na nga ba ang muling nagpatibok ng puso ni Zeinab?