Viral! | Batang Kumakain Habang Umaawit ng Lupang Hinirang, Kinaaliwan

Viral! | Batang Kumakain Habang Umaawit ng Lupang Hinirang, Kinaaliwan

Kinaaliwan ng mga netizen ang nag viral na video ng cute na cute at bibong bibo na batang ito, dahil habang sila ay umaawit ng Lupang Hinirang sa kanilang Flag Ceremony, ay palihim na sumusubo ng pagkain itong si Baby Boy!

Si Tony Fabros ang nag video at nag upload nito sa kanyang Facebook Account, na siya palang ama ng cute na cute na batang ito. Mabilis itong nag viral dahil sa pagka inosenteng aksyon ng kanyang anak.


Makikita na nakalagay ang kanang kamay ng bata sa kanyang dibdib, habang ang kaliwang kamay ay may hawak na pagkain at palihim na niya itong sinusubo.

Tuloy tuloy naman ang kanyang pag nguya at naubos naman niya ang kanyang kinakain hanggang matapos ang Lupang Hinirang.


Ilan sa mga komento ng mga nakapanood ay “Food is Life” , “Makabayan ka naman, pero gutom lang”, at “Kakapasok mo palang ubos na baon mo”.

Pagkatapos ng kanilang pag awit ng Lupang Hinirang ay sinundan naman ito ng Panatang Makabayan, nakataas ang kanang kamay ng bibong bata , wala pa man sa kalagitnaan ay nangangawit na ito, pasimple niyang pinapatong ang kanyang braso sa lamesa ng kanyang upuan.


Hindi pa nga natatapos ang Panatang Makabayan, ay gusto na ng bata na umupo at magpahinga, kita sa mukha niya na napapagod na siya. Lumapit na ito sa kanyang ama na kasalukuyang nagvi video sa kanya. Binalik lang siya ng kanyang tatay sa kanyang puwesto, hindi na nga nakatiis ang bata at umupo na ito.