VIRAL: Ina Gumawa ng Cake mula sa Basahan para sa ika-7 Kaarawan ng Anak..

VIRAL: Ina Gumawa ng Cake mula sa Basahan para sa ika-7 Kaarawan ng Anak..

Isa sa nagpapa espesyal sa kaarawan maliban sa kompletong pamilya ay ang pagkakaroon ng cake at lechon. Ito ay parang naging tradisyong handaan na tuwing may kaarawan sa mga Pinoy.

Subalit, hindi naman lahat ay makaka-afford na magkaroon ng lechon at cake. Kaya naging viral kamakailan ang ginawa ng isang Ina sa kaarawan ng kanyang anak.

Dahil walang pambili ng cake para sa ika-7 kaarawan ng anak, naisip ng isang ina na lumikha ng kakaibang cake para maramdaman nito ang kaniyang kaarawan.

Viral sa social media ang naging post ni Rosalyn Fernandez kung saan makikitang ipinatong niya ang mga ibinebentang basahan para makabuo ng “cake” para sa anak na si Angel.

Sa programang “Good Vibes” sa Teleradyo, sinabi ni Fernandez na gawa ito sa mga ibinebenta niyang basahan.

Umaaray kasi aniya ang kanilang pamilya sa pandemya kaya naisip niya ang munting paraan para mas mapasaya ang anak sa kaarawan nito.

VIRAL: Ina lumikha ng 'basahan cake' para sa ika-7 kaarawan ng anak

“[Gumawa] ako basahan noong kaarawan niya. Ang naisip ko ang basahan ibibigay na cake kay Angel para maimagine niyang mayroon siyang cake,” ani Fernandez sa programa.

Nanay gumawa ng 'basahan cake' para sa 7th birthday ng anak | MMV Hangouts

Matapos mag-viral ang post ni Fernandez, agad umano siyang nilapitan ng mga nais magbigay ng pagkain at iba pa para mas mapasaya ang kaarawan ng anak.

May ilan aniyang nagdala ng mga cake, at may taga-Canada rin umanong nag-donate sa kanila ng pera pambili ng palabok.

May mensahe naman si Fernandez para sa anak.

“Sana po mag-aral siya nang mabuti tapos po sana maging malakas ang katawan niya… Iyon po ang [wish] ko sa birthday niya,” ani Fernandez.