Viral, isang sangg0l nabulag matapos kuhanan ng litrato gamit ang cellphone na may flash


Marahil hindi maitatanggi na ang mga sanggol ay cute at talaga namang kaibig ibig, alam natin lahat yan. Kahit konting pag galaw lamang ng kanilang mga labi ay tiyak na tayo ay masisiyahan kahit tayo’y pagod sa maghapon ka-aalaga sa kanila.

At dahil nga sa sobrang ka-cutan ng mga sanggol ay minsan hindi natin mapigilan ang pagkuha ng mga litrato sa kanila ng sa gayon ay mayroon tayong makikita kapag sila ay malalaki na.

Subalit lingid sa kaalaman ng marami na ang camera flash at mga bagong gadgets ngayon ay maaari magdulot ng kapahamakan sa ating mga baby o sangg0l.

Minsan ba naiisip mo yung mga karaniwang warning satin kapag tayo ay bumibisita sa mga bagong panganak na sanggol? Na iturn off ang mga camera flash pag sila ay kinukuhanan ng litrato? Malamang karamihan satin ay ginawa ito.

Isang sanggol at bagong panganak sa bansang China ang aksidenteng nabulag matapos itong kuhanan ng litrato ng isang malapit na kaibigan ng kanilang pamilya.

Sinasabing ang kumuha ng litrato ay hinawakan ang cellphone at may layo lamang itong 10 inches dahil gusto raw nitong makuhanan ng litrato ang baby ng malapitan.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakalimutan ng kumukuha ng litrato na iturn off ang camera flash ng cellphone nito sa pagkuha niyang litrato.

Sa isang iglap napansin agad ng mga magulang ng baby na may kakaiba sa mata ng bata pagkatapos nitong makuhanan ng litrato. Ang storyang ito ay na featured na sa People’s Daily Online.

Sa kasamaang palad ay na damage ang kaliwang mata nito at ang kanang mata naman ay tuluyan ng nabulag at napakamalas na pangyayari ito para sa inosenteng bata.

Ayon naman sa doktor, ang camera flash umano ang naging sanhi ng permanent damage sa macula ng baby. Kapag lumaki ang bata sa edad na apat ang damage sa macula ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon din ng damage sa central vision.

Ayon sa mga eyë experts, ang mga baby ay vulnërable pa sa mga strong lights tulad ng camera flash, at hindi lang camera flash pati nadin ang mga ilaw natin halimbawa sa banyo habang naliligo ang baby.

Wala pa naman na irerelease na statement ang mga magulang ng bata kung sila ay mag sasampa ng kaso laban sa kumuha ng litrato sa kanilang baby.

Source: Daily Mail