VIRAL: Video ng Batang Umaakyat sa Kisame sa Dis-Oras ng Gabi, Kinabahala ng Ina at mga Netizens! Hanap ng Bagong Anak Daw.


Bilang isang magulang, kaligtasan ng mga anak ang isina alang-alang kaysa ano pa mang bagay sa araw-araw. Kaya maraming mga magulang ang napa reak sa videong nakunan patungkol sa kakaibang tapang ng batang ito.

Naging viral kasi ang isang video kung saan naging agaw atensyon sa marami, makikita na ang bata habang kinukunan ng video ng kasama nito sa bahay, na parang walang kahirap-hirap na umakyat at nag lambitin pa ito sa taas ng kanilang kisame.

Nung-una raw ay nag bibiruan lamang ito kasama ang kaniyang mga kasama sa bahay, na umaakyat-akyat lamang ito sa gilid ng pader ngunit hindi nag laon ay nagawa nitong makaakyat sa kanilang kisame na walang kahirap-hirap. Parang napakadali lamang sa kanya na gawin ang pag-akyat sa itaas.

Kinabahan tuloy ang ina ng bata matapos ipadala sa kaniya ng kasama ng bata sa bahay, dahil bukod sa dis-oras na nang gabi ay duon lamang naisipan ng bata gawin ang pag-akyat nito sa kanilang kisame.,nangangamba tuloy ito na baka kung ano na ang nangyayari sa kaniyang anak.

Bagaman at katuwaan lamang ito ng mga kasama nito sa bahay ay marami paring nakapanuod na netizen at ginawa itong biro, at katatawanan dahil sa pagiging parang isang atleta nito, na pwede pala umanong isali balang araw ang bata sa olympics dahil sa bilis at galing nito sa pag-akyat sa kisame.

Marami rin ang nagreak na magulang na sana ay wag pahintulutang gawin yaon ng bata at baka ito ay ma disgrasya at di mo alam ang pwedeng maging kahahantungan, wag gawing biro ang mga bagay na pwedeng magdulot ng aksidente sa mga bata.