Watch! Herlene Budol, Speechless sa Regalong House and Lot ni Wilbert Tolentino!

Watch! Herlene Budol, Speechless sa Regalong House and Lot ni Wilbert Tolentino!

“Natupad din ang aking pangarap mag ka House and lot. Salamat kay Sir Wilbert Tolentino,” ito ang pahayag ni Herlene Budol o kilala din sa bansag na “Hipon Girl” nang bigyan siya ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino ng sarili nitong bahay at lupa. Ibinahagi ni Wilbert sa kanyang Youtube Channel ang video kung saan ipinasilip niya ang nabili niyang house and lot para kay Herlene.

Dahil tubong Angono, Rizal si Herlene ay dito na lamang siya nag-request na magkaroon ng bahay. Ito ay para din malapit siya sa Lola niyang pumanåw kamakailan na si Nanay Bireng.

Puspusan naman ang paghahanda ni Herlene sa kanyang laban sa beauty pageant na Binibining Pilipinas 2022. Ang house and lot na ibinigay ni Wilbert para kay Herlene at sa pamilya nito ay munting regalo niya para maging motibasyon din ni Herlene.

Matatandaan na binigyan din ni Sir Wilbert si Daisy Lopez o kilala bilang Madam Inutz ng house and lot. Si Sir Wilbert ay talent manager nina Herlene at Madam Inutz.

Nang sumali si Madam Inutz sa Pinoy Big Brother ay todo ang suporta ni Sir Wilbert dito. Ngayon naman ay tinutulungan niya si Herlene sa pageant at sa kanyang pangarap bilang isang beauty queen.

Malaki ang pasasalamat ni Herlene kay Sir Wilbert dahil una pa lang na sila ay nagkakilala ay tinulungan na siya nito.

Nais naman ni Sir Wilbert na ipagdasal siya ng mga tao para marami pa siyang matulungan lalo na ang mga taong nangangailangan.