Whamos Cruz hiniling na wag sana niyang maging kamukha ang magiging anak nila ni Antonette Gail


Aminado si Whamos na ayaw niyang maging kamukha ang upcoming first baby nila ng nobyang si Antonette Gail.

Sa kanyang naunang pahayag, sinabi ng 24-anyos na vlogger. Na magiging “masagwa” ang mukha ng kanyang baby kung magiging kamukha niya ito.

Tugon ito ni Whamos sa sinabi ng isa pang internet celebrity na si Xian Gaza kung saan ay umaasa ito na hindi magiging kamukha ni Whamos ang anak niya.

“Jusko huwag naman sana niya maging kamukha ang bata in Jesus name,” ani Xian.

“Yon nga din boss ehh. ayaw ko din talaga makamuka ko baby ko ang sagwa.” tugon naman ni Whamos.

Marami ang natuwa sa balitang magkaka-baby na nga sina Antonette at Whamos. Pero syempre hindi pa din nawawala ang mga b4shers.

Sa isang online site, sinabi ni Antonette na pare-pareho lang ang sinasabi ng mga b4sher. Ngunit mas marami pa rin ang mga sumusuporta sa kanila.

“Masasabi ko sa mga b4shers ni Whamos kung sino ang hinila pababa mas ayun pa din ang itinataas at bini-bless ni God,” wika ni Antonette.

Samantala, sa Facebook post naman ni Whamos ngayong araw, tila makahulugan ang kanyang pahayag.

Hiniling niya na sana talaga ay hindi niya maging kamukha ang magiging anak. Para hindi daw maranasan nito ang mga panIaIait na kanyang natatanggap.

Ani Whamos, “WAG MO SANA AKO MAKA MUKA BABY PARA DIKA MAKARANAS NG PANG LALAIT NG IBANG TAO.”

Kalakip nito ay ang larawan niya habang nakahalik sa sinapupunan ng nobya.