Whamos Cruz, nagmaskara ng mukha ni Coco Martin para hindi paglihian siya ni Antonette Gail!

Whamos Cruz, nagmaskara ng mukha ni Coco Martin para hindi paglihian siya ni Antonette Gail!

Nagsuot ng maskara na mukha ni Coco Martin si Whamos Cruz, para ito ang mapaglihihan ng nobyang si Antonette Gail.

Sa ilang pahayag ng vlogger, aminado naman siya na ayaw niyang maging kamukha. Ang upcoming baby nila ng kanyang partner na si Antonette.

Ani pa nga ni Whamos, hiniling niya ito dahil ayaw daw niyang danasin ng kanyang magiging baby. Ang panglalait na kanyang nararanasan mula sa mga mapang-husgang nilalang.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Antonette sa kakwelahan ng kanyang partner. Viral nga ngayon ang video kung saan nag-ala Coco Martin si Whamos.

Nang tinawag kasi ni Antonette si Whamos ay suot-suot nito ang maskara ng Kapamilya actor. Dahilan ni Whamos ay para daw hindi ang mukha niya ang mapaglihihan ng nobya.

At panigurado nga daw na magtatagal ang buhay ng kanilang magiging baby kung si Coco ang magiging kamukha nito.

Binase niya ito sa karakter ni Coco na si Cardo Dalisay sa seryeng ‘Ang Probinsyano’.

Madaming netizens din ang naaliw a ginawang ito ng vlogger. Pero ayon na mismo kay Antonette ay tanggap niya kahit sino pa ang maging kamukha ng kanilang baby.

Saad pa nga nito ay gwapo naman daw si Whamos sadyang mapayat lamang daw talaga ang pangangatawan nito.

Pero tanggap at mahal niya ito ng buong buo kahit ano pa ngang itsura nito.

Narito ang kanilang video: