“What A Surprise” Bianca King Soon To Be Mommy Na Rin!

“What A Surprise” Bianca King Soon To Be Mommy Na Rin!

Halos lahat ng mga kababaihan ay naghahangad na magkaroon ng anak at ang ilan nga ay nabibigyan kaagad ng pagkakataon na ito ay maranasan sa murang edad pa lang. Samantala, ang ilan ay patuloy pa ring naghihintay at umaasa na balang-araw ay ipagkakaloob din ito sa kanila ng tadhana tulad nalang ng kilalang aktres na si Bianca King.

Source: Bianca King Instagram

Sa loob ng mahabang panahon ay naging masipag ang aktres sa kaniyang napiling career at sa katunayan, halos nagampanan na niya ang lahat ng role bilang isang artista. Mapa-bida o kontrabida ay talaga namang naipamalas ni Bianca ang kaniyang angking talento sa pag-arte at lubos na hinangaan ng publiko.

Kung career nga ang pag-uusapan ay masasabing fulfilled na ang aktres ngunit dahil hangad niya na magkaroon ng sariling pamilya ay nagdesisyon itong lisanin ang mundo ng show business.

Source: Bianca King Instagram

Noong taong 2021 ay ikinasal siya sa non-showbiz boyfriend na si Ralph Wintle at nangyari ang kanilang pag-iisang dibdib sa isang maliit na living room sa Sydney Australia.

Simula noon ay patuloy na umaasa si Bianca na siya ay magdadalantao ngunit dahil pareho na silang lagpas 30 ay muntik na itong sumuko at sumubok ng ibang paraan tulad ng In vitro fertilization (IVF). Ngunit iba ang plano ng Lord sa kanila at isang araw nga ay nagising ang aktres na siya ay nagdadalantao na pala!

“It was a long journey to get there. It was not easy – being in our mid-30’s. I mentally gave up and was about to do IVF. BUt surprise! A natural miracle happened.”, pagbabahagi ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Source: Bianca King Instagram

Makikita sa mga post ng aktres ang nakapa-cute niyang baby bump na talaga namang kinagiliwan ng mga netizens. Samantala, sunod-sunod naman ang mga pagbati na natanggap ng mag-asawa mula sa kanilang pamilya at mga kaibigan na excited na rin sa kanilang new journey.

Sa ngayon ay nag-uumapaw ang kaligayahan ni Bianca at bilang isang bagong ina ay nangangako sila ni Ralph na gagawin ang lahat ng makakaya para maalagaan at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang first-ever baby.

Source: Bianca King Instagram

Congratulations Bianca & Ralph!