Willie Revillame handa umanong Tulungan si Vhong Navarro


Sinabi ni Cristy Fermin sa kanyang segment na “Cristy Ferminute”na handa umanong tumulong si Willie Revillame kay Vhong Navarro, ukol sa hinaharap nitong kaso, na isinampa ng model na si Deniece Cornejo.

Ayon kay Cristy Fermin ay may nabasa raw siya sa pahayagan at may napapanood siyang mga vlogs na handang tumulong si Willie kay Vhong.


“Tapos meron pang napanood ako kanina sa isang vlog, tapos nabasa ko rin sa pahayagan, handa raw tulungan ni Willie Revillame si Vhong Navarro sa kanyang kinahihinatnan.”
 sabi ni Manay Cristy

Naikwento ni Cristy Fermin na tumulong daw si Willie Revillame noong naospital si Vhong dahil sa pangbubugb0g ng grupo ni Cedrick Lee.

Nagbigay di umano si Willie ng isang milyong cheque.

“Alam niyo po, hindi lang ngayon. Eto po ah, hindi na ako magpapaalam kay Willie Revillame pero totoo at alam ko po ang katotohanan. Dumalaw po sa Willie Revillame noon sa ospital, kay Vhong Navarro, nag-iwan siya ng P1 million na tseke.” saad ni Fermin

“Ang sabi niya kay Vhong, ‘Lipat ka ng kwarto, ‘yung mas malaki. Kasi napakaliit nito, kapag sabay-sabay na dumalaw ang mga kasamahan at kaibigan mo, mapupuno.’ Tapos ‘yung mga doktor, parang magkakapalitan na sila ng mukha. Nag-iwan ng isang milyon na tseke si Willie Revillame, hindi lang po ngayon. Noon pa man po.” dagdag pa nito .

Ngunit matatandaan noong bumalik na si Vhong Navarro sa show ay nagpasalamat ito sa isang personalidad na hindi niya pinangalanan dahil daw ay bawal, noong mga panahon na iyon ay wala na sa istasyon si Willie Revillame.