Xian Lim, Inaming Hindi Siya “Pressured” Na Pakasalan Ang Girlfriend For Almost 10 Years Na Si Kim Chiu

Xian Lim, Inaming Hindi Siya “Pressured” Na Pakasalan Ang Girlfriend For Almost 10 Years Na Si Kim Chiu

Halos sampung dekada na ring nagmamahalan at nagpapakilig sa kanilang mga fans ang celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim. Paano naman kasi hindi lang on screen ang kanilang love team dahil kahit sa likod ng camera ay talaga namang sweet na sweet ang real life couple.

Sa katunayan, sa kani-kanilang vlogs ay makikitang madalas silang magtravel at magkasamang sinusubukan ang iba’t ibang adventures sa loob at labas ng bansa.

Source: Kim Chui

Unang nagkakilala ang dalawa noong 2011 kung saan magkasama sila sa palabas na “My Binondo Girl” at simula noon ay mas lalo pang lumalim ang kanilang pagsasamahan. Mula nga sa pagiging magkaibigan ay naging magkasintahan ang dalawa at hanggang ngayon ay mas lalo pang tumitibay ang pagsasama.

Source: Kim Chui

Dahil dito ay hindi maiwasan ng mga netizens na magtanong kung kelan nga ba ikakasal ang dalawa lalo na at halos lahat sa mga kasamahan nila sa showbiz ay sunod-sunod ng ikinakasal at nagkakaroon ng mga anak.

Source: Kim Chui

Sa kabila ng kaliwa’t kanang tanong ay hindi naman na-pressure ang dalawa lalong-lalo na si Xian na inaasahan ng lahat na magplano ng marriage proposal.

“Hindi ko naman po nararamdaman. Basta ang kasunduan namin, as long as nagmamahalan kami nang lubos, that’s all that matters.”, sagot ng aktor.

Source: Kim Chui

Para kay Kim at Xian, mas naka-focus sila ngayon sa kung anong meron sila ni Kim at ini-enjoy ang bawat araw na kasama ang isa’t isa. Pareho rin sila ng pananaw na kapag handa na sila sa pagpapakasal ay kusa naman itong darating at magiging madali nalang ang lahat.

Sa ngayon ay abala ang dalawa sa pagpapatibay ng kanilang relasyon at mas lalo pang kinikilala ang isa’t isa bilang paghahanda na rin sa panibagong yugto ng kanilang buhay.

Source: Kim Chui

“Tip lang, guys. Ang relationship is like building a house. Dapat strong yung foundation. Kung ‘di strong ang foundation ninyo, laro-laro lang naman ‘yan sa umpisa, mabilis din ‘yang mabubuwag. So make sure the foundation is great before you jump into anything.”, dagdag pa ni Xian.

Totoo nga na hindi minamadali ang pagpapakasal at ang mahalaga ay mayroong tamang pagpaplano ang magkasintahan upang masiguro na magiging happily ever after ang kanilang pag-iisang dibdib.