Zeinab Harake, umalma sa hiling ni Skusta Clee na makasama muli ang anak nila!


Hindi pinagbigyan ng sikat na vlogger na si  Zeinab Harake ang hiling ng netizen na ‘Daddy For A Day Challenge’

Kilala si Zeinab na laging kumakasa sa mga hamon ng kanyang mga followers. Bilang vlogger, ang mga challenge na nais ipagawa ng kanyang mga subscriber ang madalas na ginagawang content ni Zeinab.

Pero this time, tinaggihan ni Zeinab ang request ng isang fan, ang nasabing challenge ay ang ‘Daddy For A Day’

Ang kahilingan na ito ay mula sa isang netizen na nanood ng kanyang live streaming sa Instagram. Ani Zeinab, hindi niya isasama sa ganoong mga challenge ang kanyang mga anak.

Tila ni-request ito ng nasabing fan dahil sa naging pahayag ni Skusta Clee sa kanyang video kamakailan.

Saad kasi ng OPM rapper ay kung mapagbibigyan lang siya na muling mapalapit sa anak ay magiging mabuting ama siya rito. Kahit pa nga aminado siyang hindi siya naging mabuting partner kay Zeinab.

Samantala, ipinagdiinan naman ni Zeinab na kailanman ay hindi niya gagawin ang naturang challenge. Ayon pa ng sa vlogger ay siya lang ang nanay at tatay ng kanyang mga anak.

Kahit para sa content ay hindi niya umano isasali ang mga anak niya sa ganoong challenge. Sinabi rin niya na umiiwas lang siya sa mga taong hindi makakatulong sa kanyang recovery.

Wala na rin umano siyang galit sa isang taong hindi naman niya pinangalanan. Dahil naging mabuti rin naman daw ito sa kanya.

Narito ang video ni Zeinab: